Dati rati, Naniniwala ako sa Prince Charming. Yung Prince Charming na forever na kayo, Yung Happily Ever After. Yung kahit na hindi maganda yung simula ng storya niyo eh sa huli sobrang ganda naman. Oo dati pinaniniwalaan ko yan, Yung kahit na may mga kontrabida sa buhay niyo kung kayo talaga.. Kayo.
Pero ngayon napatunayan kong walang salitang “FOREVER” Kung meron man sila yung mga pinagpala talaga. Sila yung kahit anung mangyari sila parin. Pero sa panahon ngayon, Salitang FOREVER? Mahirap ng hanapin yun. Pero naniniwala parin ako sa PRINCE CHARMING, Yung lalaking makakasama mo sa hirap at ginahawa. Yung lalaking hindi ka pababayaan, Yung lalaking aalagaan ka, Yung lalaking mamahalin ka at ikaw ang magiging PRINCESS ng buhay niya. Tiwala lang, Darating din ang Prince Charming mo. ♥